Monday, August 17, 2009

Isang Alaala

Isang alaalang kasama sa tuwina
Isang pagsuyong maulit pa sana
Ang sumpaang nagbigkis sa'ting dalawa
hanggang ngayo'y, bihag niya, puso ko't kaluluwa

Isang alaalang aalo sa lumbay
Isang pag ibig na walang kapantay
Ang tadhanang nagwalay sa 'ting landas
Kanyang bakas, ang tanglaw, sa 'king paglalakbay

Hanggang haplos mo'y madamang muli
At mahagkan ka sa bawat sandali
Hanggang doon ako mangangarap
Magdarasal, na pangako mo'y matupad
Tanging kahapon, na nagiwan ng pagasa
Alaala mong naging pangarap pa...
Alaala mong naging... pangarap pa...

No comments:

Post a Comment