Monday, August 17, 2009

Away Bati

Hindi magkabagay sa maraming bagay
Magkasalungat ating pananaw
Mga hilig ko'y 'di mo maintindihan
Mga lakad ko'y hindi mo masakyan

Panay tampuhan, minsa'y hiwalayan
Sigurado namang magbabalikan
Tuwing magkikita, sa simula ay kay saya
Hanggang magaway sa maliit na bagay

O bakit kaya tayo pinagtagpo
Nagmamahalan nga ngunit 'di magkasundo
At bakit kaya kahit anong gawin
'di mapigil ang pagaaway natin

Away bati, tayo'y away bati
Kahit pa ganyan, 'di kita maiwan
Away bati, tayo'y away bati
Wala nang bago pa, puso'y nasanay na
Bukas makalawa'y mahal pa rin kita

Paano kaya, maiiwasan ang gulo
Ako'y litong lito, saklolo, Kupido...

Minsa'y mabait, biglang magsusungit
Minsa'y magiliw, pagdaka'y galit
Pag naglambing ka, dibdib ko'y kumakaba
Baka maudlot pa, napipintong romansa

No comments:

Post a Comment