Saturday, June 19, 2010

Pamantasang Hinirang

2nd Place, Poetry Writing Contest
Filipino Category
UST Quadricentennial Celebration
June 17, 2010
Manila, Philippines

Ilang siglo na ang nakaraan
No’ng una mong sinimulan
Ang pagtuturo ng katotohanan
At pagpapakilala sa Maykapal

Maliban sa bagay ispiritwal
Mga tao’y iyo ring sinanay
Maging dalubhasa sa larangan ng
Pilosopikal, teknikal, at agham

O pamantasang hinirang
Naghuhubog ng mga kabataang
Mahusay sa makabuluhang bagay
Mga huwaran ng pamayanan

Mga bayani naring bayan
Doktrina mo ang kinalak’han
Tapang nila at katatagan
Bunga ng iyong pangangaral

O pamantasang hinirang
Nagpapalaganap ng kabutihan
Nagtuturo ng magandang asal
At pamumuhay na may dangal

Maging ang mga banyaga
Sa ‘yong galing ay namangha
Kay raming mga dayuhan
Ang sa bakuran mo nangag aral

Tunay ngang ikaw ang sinugo
Upang sa Silangan ay magturo
Ng katotohanan at kaligtasan
At nang Kristianong pamamaraan

Salamat mahal na pamantasan
Sa liwanag mong ibinibigay
Kailan ma’y ‘di magdidilim
Ang ilaw mong nagniningning

No comments:

Post a Comment