Monday, October 19, 2009

Oh Ninong at Ninang Ko

I
Maligayang pasko
Ninong at ninang ko
Ako po’y napadalaw
Upang bumati sa inyo
Sana po ay maghari
Sa tahanang ito
Ang pag-ibig na dala ng pasko

Refrain
Oh ninong at ninang ko
Pwede bang sa inyo’y magmano
Kahit pa walang aguinaldo
Sapat na ang bendisyon ninyo

Oh ninong at ninang ko
Sana’y huwag kayong magbago
Nawa’y manatili ang pag-ibig
Sa inyo kahit hindi na pasko

II
Maligayang pasko
Ninong at ninang ko
Sana’y ‘di nakaabala
Ang pagbisita kong ito
Sana po’y mag-umapaw
Sa tahanang ito
Ang pagpapalang dala ng pasko

No comments:

Post a Comment